Alamat Ng Ilaw Noong unang panahon, sa itaas ng mga ulap sa probinsya ng Butuan, nanirahan ang isang makapangyarihang diyos na nagngangalang Alyon, kasama ang kaniyang napakaganda, masiyahin at matalinong anak na si Haliya. Hindi pangkaraniwang diyosa si Haliya sapagkat mayroon siyang kapangyarihan na maging kahit anong bagay. Ngunit, dahil siya ang nag-iisang anak ng Diyos ay hindi siya binibigyan ng pahintulot na tumapak sa lupa na kung saan naninirahan ang mga tao. Sa una ay sumunod ang diyosa sa utos ng kanyang ama pero kalaunan ay lumaki ang kanyang nais na makapunta sa tirahan ng mga tao. Pagkatapos ng ilang araw ay napasyahan niyang tumakas sa gabi at gumala sa lugar sa ilalim ng mga ulap. Hinintay niya na sumapit ang gabi hanggang makatulog ang mga tauhan at kanyang ama. Nang matiyak...