Alamat ng Ilaw / Legend of Lights
Alamat Ng Ilaw
Noong unang panahon, sa itaas ng mga ulap sa probinsya ng Butuan, nanirahan ang isang makapangyarihang diyos na nagngangalang Alyon, kasama ang kaniyang napakaganda, masiyahin at matalinong anak na si Haliya. Hindi pangkaraniwang diyosa si Haliya sapagkat mayroon siyang kapangyarihan na maging kahit anong bagay. Ngunit, dahil siya ang nag-iisang anak ng Diyos ay hindi siya binibigyan ng pahintulot na tumapak sa lupa na kung saan naninirahan ang mga tao. Sa una ay sumunod ang diyosa sa utos ng kanyang ama pero kalaunan ay lumaki ang kanyang nais na makapunta sa tirahan ng mga tao.
Pagkatapos ng ilang araw ay napasyahan niyang tumakas sa gabi at gumala sa lugar sa ilalim ng mga ulap. Hinintay niya na sumapit ang gabi hanggang makatulog ang mga tauhan at kanyang ama. Nang matiyak niya ito, ginamit niya ang kanyang kakayahan at unti unti siyang lumiit at lumiwanag hanggang siya ay naging isang maliit na piraso ng liwanag na kasing laki ng langgam. Lumipad lipad siya sa himpapawid at nabighani sa ganda ng mga bituin na umiilaw sa madilim na gabi. Bumalik siya sa kanyang dating anyo noong siya ay nakarating sa kanyang destinasyon.
Sumunod ay nagpahinga ang diyosa sa tabi ng isang ilog at pinagmasdan ang mga lugar na nakikita niya ngayon. Siya ay naaliw at ngumiti sa kanyang sarili habang kumikinang na parang mga bituin ang kanyang mga mata.
Kalaunan ay may naramdamang kakaiba si Haliya. Naramdaman niya ang presensya ng ibang nilalang sa paligid. Binalewala niya lamang ito at nagpatuloy sa pagtingin sa iba't ibang direksyon hanggang mapadpad siya sa isang gubat at may naamoy siyang mabango. Nagustuhan niya ang amoy at sininghot ito hanggang sa mawalan siya ng malay at nahulog sa lupa.
Nagising ang diyosa at nakakita bg isang matandang mangkukulam sa kanyang harapan. Natakot siya at nagtangkang tumakas pero ito'y walang saysay dahil siya ay nakatali sa isang upuan. Nag isip si Haliya kung ano ang pwede niyang gawin hanggang sa nagpagdesisyunan niya na magbago ng anyo.
Gamit ang kanyang abilidad ay unti unti siyang lumiit at lumiwanag. Nakawala siya sa tali at dali daling lumipad ngunit siya ay nahuli muli ng mangkukulam. Inilagay ang diyosa sa isang bote ay pinabayaan ng mangkukulam hanggang sumapit ang gabi.
Unti unting nanghina ang diwata at may naramdaman siyang kakaiba sa kaniyang katawan. Tumingin siya sa kanyang kamay at nagulat! Ang kanyang mga kamay ay unti unting pumapawi at pinupuno ng liwanag ang bote. Nataranta ang diyosa at sinubukan na makawala sa lalagyan. Ginamit niya ang natitira niyang lakas upang mabasag ang salamin. Nang mabasag ito ay nakabalik ang mangkukulam at sinalubong ng isang napakaliwanag na bahay. Dali daling kinolekta niya ang liwanag sa kanyang bahay at pinuno ang bote. Ang dati niyang bahay ay puno na ng liwanag ngayon ngunit siya ay galit sa pagtakas ng diyosa.
Sa huli, maraming tao ang bumisita sa mangkukulam upang humingi ng liwanag para sa kanilang sariling bahay ngunit hindi pa rin natatagpuan ang diyosa. Ang hindi nila alam ay ang diyosa ay naglahi at naging isang liwanag na lamang na nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi kagaya ng mga bituin. Galing sa diyosa ang kanilang ilaw.
WAKAS

Comments
Post a Comment