Character Sketch
Mula noong isinilang tayo ay nakasama na natin ang mga babaeng inalagaan tayo bago pa man tayo lumabas at humarap sa mundo. Ang mga babaeng ito ang nagmahal sa atin ng walang katumbas at ginawa ang kanilang makakaya para tayo ay sumaya. Sila ang ating mga ina. Ang salaysay na ito ay handog ko sa aking ina at kung bakit mahalaga siya sa akin. Ang aking ina ay nagsilbing ilaw sa aking buhay. Siya ang nagbigay sa akin ng mga kailangan ko. Ginagabayan niya ako sa aking mga desisyon at tinutulungan ako na magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang ina ko ang tanging tao na nakakaintindi sa akin ng tunay at sinusuportahan niya ako sa kahit anong gawin ko. Inuuna niya ang kaligayahan ko bago ang sarili niya. Hindi siya makasarili at maasahan ko siya kapag ako ay naguguluhan. Ito ang dahilan